Maraming beses akong naiinis at nagsasawa nang mabuhay, not beacuse of those trials I’m facing, but because of my fucking attitude. Maraming beses kong sinisisi ang sarili ko kung bakit may mga oportunidad na nasasayang at nawawala dahil sa aking pag-uugali. Maraming beses akong nalulungkot sa pag-iisip na walang taong pwede o kayang magmahal sa akin, mga kaibigang pansamantala na hindi maaaring magtagal. May mga pagkakataon ding hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa o hindi na. Pero ayokong magpakamatay. Srsly. When I got depressed and felt like giving up, I’m always talking to God na sana kunin na niya ako, pinapahirapan pa ako, or something. Napaka loser ko.
Siyempre, may mga pagkakataon ding masaya, maraming beses na rin ako naging masaya, ewan. Mas maraming masasayang ala-ala ang naranasan ko ngayon nasa kolehiyo na ako. Kesa noong nasa high school pa lang ako. Pero ang friendship noong high school ako ay hindi kayang pantayan ng friendship ngayong college, for now. Siguro pagdating ng second year pataas, ewan. Hindi ko alam.
I’m so blessed. I really am. Pero ito ang bagay na hindi ko maitatak sa utak at puso ko. Para bang may kulang. Ewan ko kung ano. Siguro, dahil sa maluho akong tao at hindi o ayaw ibigay sa akin ang mga gusto ko. Ayoko talaga ng ugali ko. Whatever.
Minsan naiisip ko, bakit ako naghahangad ng sobra-sobra? Hindi ba ako masaya’t nakakapag-aral ako sa isang exclusive na university? Na meron akong pamilyang inuuwian linggo-linggo? Na sobra-sobra pa sa tatlong beses minsan ang kain ko? Na may mga damit akong naisusuot sa pang-araw-araw?
One thing I do know is that it makes me wonder if I have “problems at home” but it seems to me that a lot of other people have it a lot worse.
- Charlie (The Perks of Being a Wallflower)
Kaya minsan napapaisip ako, ang swerte ko. Dahil meron ako ng mga pangangailangan ko, samantalang ang iba. Namomroblema kung saan sila kukuha ng ganito, ng ganyan, o kung saan sila kukuha ng pera pangmatrikula o sa pagkain o sa matitirahan.
Napakaswerte ko at ang tangi kong magagawa ay huwag itong sayangin. Sapagkat iisa lang ang buhay na nasa atin. Gawin na ang lahat ng gustong gawin. Hanapin ang magpapaligaya sa’yo at mabuhay ng masaya at kuntento sa kung anong meron ka. :)
2 notes 2 notes · #personal-
mistercraps posted this
