So last week sinabihan ko ung kaklase ko sa VisCom3 na itanong sa prof namin kung kailang ibibigay ang mga plates namin. Ayaw pa kasi ibigay, o nakakalimutan lang? Ewan, so sabi niya next week. Kaya ko ipinatanong kasi, ayoko lang magtanong that time. Kwhateber. So walang pasok noong Monday so yes, noong Thursday binigay. Habang gumagawa kami ng panibagong plate niya binigay. Tanong ako ng tanong ng sukat sa katabi ko, daldal nang daldal. Tapos bigla ko narining apelyido ko. Iyon daw ang highest para sa unang plate. Napa-wow na lang ako. First plate! 99%! Ohmygawd. Natutuwa ako sa sarili ko that time. Then next plate, then next, then next at ung huli. Sa kabuuan, tatlong plates, highest ako. Sana ma-maintain ko. Oo, mame-maintain ko iyon!